3 pabigat sa Gabinete pinasisibak

HINIMOK ng isang Catholic prelate si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na alisin na sa puwesto ang tatlong miyembro ng Gabinete nito na itinuturing niyang “pasanin” lamang.

Ito ang pahayag ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles matapos na mismong si Pangulong Aquino na ang nagsabi na may tatlong miyembro ng kaniyang Gabinete na nagpapasakit ng kanyang ulo.

Ayon kay Arguelles, hindi na dapat pang magdalawang-isip si Aquino at alisin na kaagad sa puwesto ang mga ito dahil lalo lamang nitong pababagsakin ang bumababa nang “trust ratings” ng Pangulo.

Sinabi ng arsobispo na gaya ng musika, hindi magaling na konduktor ang Pangulo dahil maraming kabilang sa Gabinete nito ang “sintunado.”

Giit ng obispo, ngayon pa lamang ay mag-isip na ang Pangulo at kaagad na palitan ang mga Gabinete nitong hindi kayang gampanan ng maayos sa kanilang tungkulin.

“Siyempre iyong kanyang mga Cabinet ay mga tao niya. Kung magulo ang mga ito, ibig sabihin hindi siya magaling na coach. Kung baga sa music, ibig sabihin kung sintunado ang iba, out of tune, out of timing ay depende ‘yan sa conductor,” ayon pa kay Arguelles sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Dapat palitan iyon. O baka naman ang conductor o lider din ang sintunado?” tanong ni Arguelles.

Una nang sinabi ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo na dapat nang magsagawa ng Cabinet revamp ang Pangulo dahil sa mahinang performance ng kanyang mga administrasyon. Kyle Gatus

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply