3 miyembro ng gabinete pinagbibitiw

HINILING ng ilang kongresista na kusa nang magbitiw sa puwesto ang tatlong miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo.

Ayon sa ilang kongresista, kahit hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga ito ay dapat magkusang loob na magbitiw na ang mga ito.

Tiyak namang alam ng mga opisyal na ito kung sino ang pinapatamaan ng Pangulo kaya’t hindi na dapat hintayin ng tatlong miyembro ng gabinete na sibakin sila sa puwesto.

Ayon naman kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, mauubos din ang pasensiya ni Aquino sa sinasabing tatlong miyembro ng gabinete na pabigat at nagbibigay pasanin sa kanyang administrasyon.

Aminado ang Pangulo na dalawa o tatlo sa miyembro ng kanyang gabinete ang pabigat sa kanyang administrasyon pero hindi na ito pinangalanan.

Ayon sa Pangulo, makita niya pa lang ang mga tinutukoy na pabigat sa gabinete ay napapaisip na siya kung anong problema na naman o masamang balita ang sasabihin sa kanya.

Sinabi pa ng Pangulo na inaasahan niya na sa mga susunod ay solusyon naman sana ang dala ng mga ito at hindi problema

Gayunpaman, wala namang sinabi ang Pangulo kung ano ang plano sa dalawa o tatlong miyembro ng gabinete sa kasalukuyan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply