3 pabigat na Cabinet men joke’ lang – PNoy

NAGBIBIRO lamang si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III nang sabihin nito na may tatlong miyembro ng kanyang Gabinete ang ayaw niyang makita dahil palaging may bitbit na masamang balita.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, posibleng ang tinutukoy lamang ng Punong Ehekutibo ay ang isang ahensya at hindi naman mga miyembro ng Gabinete.

Sinabi pa rin niya na importante rin sa Pangulo ang dalhan siya ng “bad news” dahil kailangan din umanong malaman ang mga problema para masolusyunan.

Kamakailan ay inamin ni Pangulong Aquino na  tatlong miyembro ng kanyang Gabinete ang  iniiwasan niyang makita dahil problema at hindi solusyon ang inihihinga sa kanya.

Subalit kapag dumating na sina Public Works Secretary Rogelio L. Singson, Science and Technology Secretary Mario Montejo at Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na umano ang magpakita sa kanay ay gumaganda ang timpla ng Pangulo dahil madalas na solusyon sa problema ang tangan ng mga ito.

Inamin nito na pinipilit na lang niyang harapin ang mga Cabinet member niyang may dalang “bad news” dahil para sa kanya ay isang taon na niyang penitensya ang mga ito. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply