3 Pinay absuwelto sa drug case sa Dubai

INABSUWELTO ng Dubai court ang tatlong Filipina sa kasong droga at nakatakdang palayain pabalik ng Pilipinas.

Ang pagkaka-absuwelto sa tatlong Pinay ay kinumpirma mismo ni Athelo Empleo, OFW sa Jeddah sa  Migrante Middle  East  kaugnay sa pagkakaabsuwelto  sa kanyang anak na si Crizelda Empleo at sa dalawa pang Pinay na sina Jackielou Jabate at Rhoroda  Guisinga.

Ang tatlong Pinay ay nakatakda nang palayain mula sa Dubai Jail at nakatakdang umuwi sa Pilipinas habang inaayos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang dokumento sa Dubai.

November 10, 2010 nang arestuhin ang tatlo matapos iabot kay Guisingan ng isang Egyptian ang isang bag na naglalaman ng droga habang  magkakasama ang tatlo sa isang  mall sa Dubai.

Una nang dumulog sa DFA ang ina ni Jabate na si Gloria Jabate matapos walang abogadong kumakatawan sa tatlo at wala ring interpreter na tumutulong sa kanila sa tuwing may hearing.

Sa ginawang paglilitis sa usapin, napatunayan ng korte na walang pagkakasala ang tatlong Filipina na nagresulta sa kanilang pagkaka-absuwelto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply