3 sasakyan ng kontraktor ng NGCP sinunog ng NPA

CAGAYAN DE ORO CITY — Umatake na naman ang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Bukidnon noong Lunes, Hunyo 20, at sinunog ang tatlong sasakyan ng kumpanyang napag-alaman na kontraktor ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa ulat ni Major Eugenio Julio C Osias IV, tagapagsalita ng 4th Infantry “Diamond” Division Miyerkules ng umaga, mahigit 10 rebede na sakop ngFront Committee 89 ang biglang umatake sa compound ng Kalpataru Contractor sa Barangay Dalwangan, Malaybalay City, Bukidnon bandang 12:15 ng madaling araw noong Lunes.

Ayon kay Osias agad agad dinis-armahan ng mga ito ang nag-iisang guwardiya ng compound at sinunog angisang canter truck at isang crane bago tumakas sakay ng mini dump truck ng Kalpataru patungo sa Sitio New Ilocos ng nasabing barangay.

Pagdating sa Sitio New Ilocos, sinunog din ng mga rebelde ang mini dump truck bago tumakas ang mga ito.

Sinabi ni Osias, na siya ring commander ng 4th Civil Military Operations “Kasaligan” Battalion, na kasalukuyan pa ring tinutugis ng composite team ng mga sundalo at kapolisan na sakop ng Bukidnon Provincial Police Office at Malaybalay City Police Office ang mga rebelde.

Tinawag naman ni 4th ID commander Major General Victor A. Felix ang ginawa ng NPA na isang ”ruthless act of terrorism.”

Ayon kay Felix, ang pagsunog nga tatlong sasakyan ng Kalpataru ay resulta lamang nga pag-ayaw ng kompanya sa pagbayad ng “protection money” sa mga extortionist ng NPA.

“These acts of terrorism and cruelty against our businesses and the civilian populace should end. It is obvious that the burning is a result of desperation from the rebels to earn money by means of extorting from our business community. The Army is closely working hand-in-hand with the Local Government Unit and the PNP to quell the terrorist activity in the province and bring peace and further development into the area,” ayon sa kanya. Albus D. Estabas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply