3 todas, 1 kritikal sa Cebu masaker

TATLO katao ang napaslang, habang isa ang nasa kritikal na kondisyon sa madugong pagmasaker sa isang pamilya sa Cebu City, iniulat ng pulisya, Huwebes ng hapon.

Base sa ulat na nakarating sa PNP Command Operation Center, daglian ang naging kamatayan ng mag-live in partner na sina Fernando Canillo, 58, Emma Lariño at kanilang anak na si Fernando Canillo II, tatlong taong gulang lamang  habang patawirin naman sa pagamutan ang kapatid ni Emma na si Ric-Ric.

Itinago naman ng awtoridad ang dalawa pang anak ng mga biktima na nakaligtas sa masaker.

Sa ulat, humigit kumulang alas 9:00 ng gabi kahapon nang isagawa ang pamamslang ng mga hinihinalang professional killer sa loob mismo ng tahanan ng mga biktima na nasa Sitio Judas Belt, Barangay, Babag II, lungsod ng Lapu-Lapu.

Sa report ni P/SSupt. Anthony Obenza, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office, personal na away o malaki ang galit ng mga suspek sa nasabing pamilya kaya hindi pinatawad sa pamamaslang ang musmos na anak ng mga mag-asawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na nagsagawa ng casing o surveillance  ang mga suspek matapos mamataan ng ilang kapitbahay ng mga biktima na isang sasakyan na walang license plate ang  nagmamanman sa area.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na galing sa palengke ang mga biktima at habang naglalakad pauwi na sa kanilang bahay ay bigla na lamang huminto sa kanilang harapan ang isang Toyota Vios at sapilitan silang pinasakay ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek.

Dinala ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay at doon pinagbabaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply