3 Tsino, Tsinoy arestado sa 20 kilo shabu

NABUWAG ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang sindikato ng droga makaraang masakote ang tatlong Tsino at isang Tsinoy at makuha sa kanila ang 20 kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation, sa Makati City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Wu Shishuang, alyas “Sonny Cabrera Ng,” 50, Filipino–Chinese; Shengxi Li, 30; Yang Chi Ti, 26; at Sonny Co, 27, pawang Chinese nationals.

Nadakip ang mga suspek sa parking lot ng isang convenience store sa Malugay Street, Makati City dakong 3:30 ng hapon kung saan isang transaksyon sa pagitan ng mga Tsino at asset ng NCRPO ang isinagawa.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang magsulputan ang mga pulis matapos magkaabutan ng iligal na droga at marked money.

Sinabi ni NCRPO Director, Chief Supt. Allan Purisima na resulta ang pagkakadakip sa apat na suspek sa matiyaga nilang paghihintay at matagal na pagsunod sa galaw ng sindikato.

Nakaditine na ang mga suspek sa NCRPO holding center kung saan isinasailalim ang mga ito sa masusing imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply