32 pamilya sa Taguig inilikas dahil sa baha

NASA 32 pamilyang naninirahan sa mabababang lugar sa Taguig ang inilikas dahil sa tubig baha na dulot ng bagyong “Dodong.”

Ayon kay Taguig City Social Welfare and Development officer-In-charge Evelyn Arago,  32 pamilya mula sa Laura Homes, Barangay Bagong Bayan ay inilikas sa Gawad Kalinga building.

Dalawang pamilya naman na nakatira sa mababang lugar sa Maguindanao Avenue, Lower Bicutan ay pansamantalang inilipat sa ligtas na lugar sa Dima Covered Court.

Ayon kay Arago, ang pagtaas ng tubig baha ay unti-unti nang humuhupa at kailangang magsibalik ang mga naapektuhang residente sa kani-kanilang bahay kapag tuluyan na itong nawala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply