33 na ang patay sa E-coli outbreak sa Germany

PUMALO na sa 33 katao ang namamatay bunsod ng kumakalat na E-coli outbreak sa sa Germany kung saan naaapektuhan na rin ang iba pang bansa sa Europe.

Nabatid na bukod sa mga nasawi, 3,100 na ang nagkakasakit dulot ng naturang bakteriya.

Umaasa naman si Health Minister Daniel Bahr na matapos na ang epidemya.

Una nang iniulat na nagmula ang bagong strain ng E-coli sa mga bean sprouts sa northern Germany.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply