33 patay sa panibagong flash floods sa China

PATAY ang 33 habang nasugatan naman ang may 100 katao sa panibagong flash floods sa China.

Base sa report, maraming bahay ang nasira sa naturang flash floods ng bahain ang Hubei province.

Ang 18 sa mga namatay ay mula sa Hubei habang 15 naman sa Hunan province.

Ang nasabing pagbaha ay bunsod ng walang humpay na pag-ulan mula pa kagabi, Biyernes.

Dahil sa nangyari, sarado na ang mga lansangan sa mga apektadong lugar at putol na rin ang mga linya ng komunikasyon, maging ang kuryente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply