350 kilo ng bulok na tuna, tambakol nakumpiska

AABOT sa 350 kilo ng frozen na tuna at tambakol ang kinumpiska ng mga tauhan ng Manila City Hall-Veterinary  Inspection Board (MCH-VIB) Sabado ng madaling araw sa palengke ng Divisoria sa Maynila.

Ayon kay Dr. Joselito Diaz ng MCH –VIB, siguradong may salmonella bacteria na ang mga nakumpiskang isda kaya hindi na ito ligtas pang kainin.

Magdudulot umano ang mga ito ng pananakit ng tiyan, pagtatae at lagnat sa sinumang kakain.

Nabatid na nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang mga tauhan ng MCH-VIB para makasiguro na hindi maibebenta sa merkado ang mga botchang bangus sanhi ng “fish kill” sa Batangas at Pangasinan. Subalit sa halip ay mga nabubulok ng frozen tuna at tambakol ang nakita ng MCH-VIB.

Agad kinumpiska ng mga awtoridad ang  may 200 kilo ng tambakol at 150 kilo ng tuna na nabubulok na.

Samasampahan naman ng kasong paglabag sa Consumer Welfare Act at city ordinance ang mga tinderang nakumpiskahan ng mga naturang frozen fish, na ibinebenta lamang sa halagang P60 kada kilo gayung ang presyo ng tambakol ay ibinebenta ng hanggang P100 kada kilo at ang tuna ay P260 naman kada kilo.

Maari din umanong makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang mapatunayang lalabag sa batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply