350,000 masisibak sa Saudi

PABILIS nang pabilis ang programang Saudization sa Saudi Arabia.
Saudization ang tawag sa pagbibigay sa mga taga-Saudi Arabia ng 10% sa kabuuang dayuhang bilang ng mga obrero sa kanila.

Ang sabi, Suki, may 10 milyong dayuhang obrero roon at nasa 2 milyon ang lahi ni Juan.

May problema sa empleyo o lumalaki ang bilang ng mga tambay na Arabo sa lugar at gusto ng kanilang gobyerno na ang mga ito na ang magtatrabaho sa halip na mga dayuhan.

Itinatadhana ng batas sa Saudization na lahat ng mga dayuhang obrero na nakaabot sa anim na taong pagtatrabaho ay hindi na mare-renew ang mga kontrata at papalitan na sila ng mga Arabo.
Eh, sa kuwenta ng Migrante International, aabot sa 350,000 na overseas Filipino workers ang mahahagip nito.

Paano kung ikakambal ito sa pagsuspinde ng nasabing bansa sa pagkuha ng mga OFW na katulong dahil hanggang $200 kada buwan lang ang gustong sahod ng mga ito at hindi minimum na $400 gaya ng patakarang isinusulong ng ating mga onorabol?

oOo

Napakalaking bilang ang mawawalan ng trabaho, Suki, sa oras na paiiralin na ng Saudi Arabia ang patakaran nito.

Kauna-unahang tanong na kahaharapin ng mga onorabol ay paano nila kahaharapin ang problemang ito?
Itatapon ba sila sa ibang mga bansa gaya ng ipinangangalandakan nilang may mga trabaho naman sa Australia, South Korea at iba pa?

Eh, paano kung hindi totoo na ganyan kadali ang kalagayan at babalik sila rito na walang nag-aantay na trabaho para sa kanila?

Sakit sa ulo ito, Suki, dahil masasama ang mga OFW sa taon-taong nasa 350,000 ding bagong gradweyt sa kolehiyo natin na tambay ang ang bagsak makaraan ang kanilang gradwesyon.

Malamang na lolobo pa ang nasa 3M nang tambay sa repablik ni Juan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply