35th Milo Marathon lalarga

INAASAHANG raratsada  na ang pinakakaabangang ika-35 edisyon ng National Milo Marathon ngayong Hulyo na may 17 regional elimination races sa pangunahing lungsod sa buong bansa at may puntiryang 200,000 runners.

Nakaparada sa pinakahuling season ang pinakamalaki, pinakaprestihiyoso at pinakamahabang  running foot-race event ang mga bagong inobasyon sa karera at ang pamosong commitment nito ang “Help Give Shoes” sports na adbokasiya nito.

Sa pagpapatuloy ng legasiya bilang pinaka-unang taunang marathon sa bansa, ipinakikilala ng National Milo ang mga inobasyon na magdadala sa world class standards para sa kaganapan ng lokal na mananakbo.

Inilinya ng mga organisador ang National Milo Marathon Manila elimination at finals sa pagsiguro ng sukatang pang mundo para sa lahat ng race categories sa pagkuha ng Association of International Marathons/International Association of Athletics Federation (AIMS/IAAF certification).

Ang Manila elims ay nakatakda sa Hulyo 31 na magsisimula at magtatapos sa SM Mall of Asia.

Magiging kombinyente rin ang pagpapatala sa pamamagitan ng National Milo Marathon website (www.milo.com.ph) na puwedeng ang mga runners na maproseso ang kanilang registration form at pagbabayad ng online at ang direct-to-home delivery ng race kits.

Kinumisyon din ng National Milo Marathon ang runner, coach at marathon organizer na si Rio Dela Cruz, para ihatag ang stake of the art timing chips na tumitiyak sa tumpak at klaradong computerized time recording para sa lahat ng race categories sa lahat ng karera sa bansa.

Patuloy ring ipagkakaloob ng National Milo Marathon ang pinakamalaking cash papremyo para sa marathon winners na may mahigit sa 6 milyong papremyo na P300,000 grand prize para sa Milo Marathon King at Queen.

Ang Milo Marathon ay unang raratsada sa Hulyo 3 sa Laoag City, Dagupan City (Hulyo 10), Olongapo City (Hulyo 17), Tarlac (Hulyo 24), Manila (Hulyo 31), Batangas (Agosto 21), Puerto Prinsesa (Aug. 28), Naga City (Sept. 4), San Pablo (Sept. 11), Iloilo City (Sept. 18), Bacolod City (Sept. 25), Cebu City (Oct. 2), Tagbilaran City (Oct.9), Cagayan de Oro (Oct. 16), Butuan (Oct. 23) at General Santos City (Oct. 30), Davao City (Nov. 5), at ang Manila Grand Finals sa Disyembre 11. Dalawang bagong regional races ang idinagdag kabilang na ang Laoag City at Bacolod City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply