35th Milo Marathon sisikad sa Hulyo 3

NAKATAKDANG sumikad ang pinananabikang 35th National Milo Marathon sa apat na rehiyon ng bansa simula sa hiligang Luzon na kung saan buena mano sa Laoag City sa Hulyo 3 na susundan sa Hulyo 10 sa Dagupan City, sa Olongapo City sa HUuyo 17 at sa Tarlac City sa Hunlyo 24.

Gaganapin ang elimination leg sa iba’t ibang lungsod at munisipyo sa Visayas at Mindanao sa Hulyo 31. Target ng pinakamalaki at pinakamatagal na running event sa bansa ang may 200,000 kalahok sa 17 races sa taong kasalukuyan na gaganapin sa buong bansa.

Ayon kay Ms. Pat Goc-Ong, assistant vice president for Milo Sports, kasabay ng ika-100 taon ng Milo ay naniniwala kami na sa paglahok ng Milo sa Philippine Milo Community ay isang matayog na ambisyon at isnag mabisang paraan na maibalik sa mamamayan ang malaking naiambag nila sa pagtangkilik sa aming produkto kasabay nito ang pagdiriwang ang isang makabuluhang ganapan.

Sinabi pa ni Goc-Ong, hindi titigil ang pamunuan ng Milo sa tagumpay ng proyekto noong nakaraang tao (2010) bagkus ay pag-iibayuhin pa ang pagsisikap na maipagpatuloy ang pagtulong sa mga kabataang mag-aaral na makamit ang kanilang pangarap at ambisyon sa pamamagitan ng mga proyekto ng Milo kabilang na ang taunang Milo Marathon na naglalaan ng mga ayuda sa mga mag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply