36 pamilya sa Taguig inilikas na

UMABOT na sa 36 pamilya o 156 katao ang inilikas ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa pangunguna ni Taguig City Mayor Laarni Cayetano sanhi ng tumataas na baha dulot ng bagyong Falcon.

Batay sa ulat ng Taguig Rescue, kabilang sa mga lugar na binayo ng bagyong Falcon na umabot hanggang baywang ang tubig baha ay ang Laura Drive, Barangay Bagumbayan na may 30 pamilyang inilipat sa Gawad Kalinga Building, Barangay Western Bicutan, Mulawin St., Barangay New Lower Bicutan na may 4 pamilyang inilipat sa RP Cruz Elementary School, Barangay Old Lower Bicutan at 10 pamilya sa Gate 3 Barangay Fort Bonifacio ang inilipat sa covered court dito.

Sinabi ni Atty. Darwin Icay, spokesperson ni Mayor Cayetano na nakahanda ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa paghahandog ng mga relief goods tulad ng pagkain at iba pa doon sa mga mamamayang inilikas sa mga nabanggit na lugar.

“Mahigpit naming sinusubaybayan ang sitwasyon at tinutugon na namin ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan,” aniya.

Bukod sa nasabing hakbang, nagtalaga na rin ang Taguig Rescue ng quick response team sa mga lugar na sinalanta ng baha habang pinangangasiwaan naman ng Social Welfare and Development Office ang pagkalinga sa evacuees.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply