381 pulis sasailalim sa Criminal Investigation Course

TINATAYANG may kabuuang 381 pulis mula sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales at mga lungsod ng Angeles pati Olongapo ang nakatakdang sumailalim sa 45 araw na Criminal Investigation Course sa Camp Olivas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Regional Office 3 director, Chief Superintendent Edgardo Ladao, layunin ng kurso na mapabuti ang kakayahan at madagdagan ang kaalaman ng mga pulis tungkol sa mga technical procedures sa mga imbestigasyon.

Dagdag pa ni Ladao na ang paglulunsad ng nasabing kurso sa Gitnang Luzon ay alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Raul Bacalzo na tiyakin na ang lahat ng tauhan ng PNP ay may sapat na kaalaman sa police investigation.

Sa ngayon, nasa 790 katao ang nagtatrabaho sa mga investigation units ng PNP 3.

Sa bilang na ito, inilahad ni Ladao na 27 porsyento lamang ang nagdaan sa pormal na pagsasanay sa imbestigasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply