4-anyos bata hinostage ng tamang hinala

KULONG ang isang driver matapos i-hostage ang isang bata dahil may humahabol umano sa kanya at gustong siyang patayin sa Malabon City Sabado ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Wilmar Norcio, 42, ng Kalayaan Ave., Diliman, Quezon City.

Nailigtas naman ng mga pulis si John Benedict Angeles, 4, ng Jose Rizal St., Tugatog, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng hapon, balisa ang suspek at nagpunta sa barangay hall ng Tugatog kung saan sinabi kay Barangay Captain Sheridan Abad na may humabol umano sa kanya at gusto siyang patayin.

Pinasamahan ni Abad sa tanod ang suspek upang magpunta sa mga pulis.

Isinakay sa Patrol car ng barangay ang suspek subalit pagsapit sa Jose Rizal St., ay biglang lumundag pababa si Norcio bago pumasok sa isang barber shop at kumuha ng gunting na may habang 9 pulgada.

Paglabas ay nakita ang biktima na umiihi sa kalsada na agad tinutukan ng gunting sa leeg.

Agad namang rumesponde sina Chief Insp’s. Monchito Lusterio at Carlos Dilag at kinausap ang suspek na bitawan na ang bata subalit nagmatigas si Norcio at naghanap ng reporter upang masabi umano ang kanyang problema.

Isang reporter ng radyo singko ang dumating at pinakiusapan ang suspek na pumasok sa media car kasama ang bata at sina Lusterio.

Nang hindi pa rin inaalis ng suspek ang kutsilyo sa leeg ng bata at makakita ng pagkakataon ang dalawang pulis ay nadakma ang kamay ni Norcio kaya nailgtas sa kapahamakan ang bata.

Inaalam na ng mga pulis kung nasa tamang pag-iisip pa ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply