Paslit utas sa pagsabog sa Maguindanao

NAMATAY ang isang apat-na-anyos na batang lalaki makaraang masabugan ng isang improvised explosive Barangay Makir sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa salaysay ng mismong ina ng biktima, mayroon umanong dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang naki-usap na iwanan sa kanila ang isang kahon at babalikan ito.

Ginawa pa umano ng mga suspek na ilagay sa ilalim ng kanilang mesa ang naturang kahon.

Tinangka pa ng ginang na habulin ang mga lalaki subalit kaagad umanong nakalayo ang mga ito at ilang minuto lang ay naganap na ang pagsabog na ikinamatay ng biktima na kinilala ng mga awtoridad na si Nurhok Bagong

Sa inisyal na imbestigasyon, ang nabanggit na improvised explosive device ay gawa sa bala ng 81mm mortar.

Blanko naman ang pamilya ng biktima sa posibleng motibo sa insidente.

Samantala, kagabi, Hunyo 18, isang pagsabog din ang naganap sa Tacurong City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman C/Supt. Agrimero Cruz Jr., naganap ang pagsabog sa Star Light videoke bar sa nasabing lugar, kung saan apat ang naitalang sugatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply