4-anyos na nene minolestiya; kelot kalaboso

HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos mabuking sa pangmomolestiya sa apat na taong gulang na babae sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Hawak na ng Manila Police District-Women and Childrens Concern Division (MPD-WCCD) ang suspek na nakilala lamang sa alyas “Manong Ambatali,” ng 735 Dela Fuente St., Sampaloc, Maynila.

Ang pagkakaaresto ng suspek ay bunsod na rin ng reklamo ng ina ng biktima na itinago sa pangalang “Nene” dahil sa umanoy pangmomolestiya sa kanyang anak.

Nabatid na nasa pagitan ng oras na ala-una hanggang alas 3:00 ng hapon ng Martes, Hunyo 14 nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng suspek sa naasbing lugar.

Hinanap umano ni Aling Rosemarie, ang anak dahil ilang oras na nitong hindi nakikita nang mapansin niyang galing ito sa bahay ng suspek.

Agad namang inusisa ng ina ang bata kaya nabuking ang ginawang pangmomolestiya ng suspek sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply