4 DOTC usec sabay-sabay nag-resign

KASUNOD nang pagbibitiw sa tungkulin ni Transportation and Communications Secretary Jose “Ping” de Jesus,  halos magkakasunod na ring nagsipagbitiw sa kani-kanilang mga tungkulin ang apat nitong  Undersecretaries upang bigyang daan ang pagtatala sa bagong kalihim ng transportasyon.

kabilang sa nagsipagbitiw sina Usec for Legal Aristotel Batuhan, Usec for Planning Ruben Reinoso, Usec for Metro Rail Transit Glicerio Sicat at Usec for Land Transportation and spokesman Dante Velasco.

Ayon kay Usec Velasco, ang kanila aniyang pagbibitiw ay epektibo hanggang June 30, 2011.

Ani Velasco maaaring bumalik na lamang siya sa tanggapan ng Office of the Executive Secretary sa Malakanyang.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Usec Sicat na babalik na lamang siya sa private practice at posibleng sa sectoral activities gayundin si Usec Reinoso.

Nilinaw ni Sicat na wala naman aniyang sagabal sa kanilang naging hakbang dahil handa na aniya ang departamento sa bagong itatalagang kalihim ng DoTC.

Samantala nasorpresa ang mga kawani ng DoTC dahil sa biglang pagbibitiw ng apat na undersecretaries.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply