4 holdaper patay sa sagupaan

APAT na holdaper ang napatay nang makasagupa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Tarlac kanina, Hunyo 18.

Ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang sagupaan sa Barangay Tariji sa Tarlac, Tarlac.

Una nang hinoldap ng mga ito ang dalawang outlet ng burger machine sa Barangay Ligtasan at San Roque kaya’t agad ikinasa ang dragnet operation.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang mamatay ang apat.

Narekober sa lugar ang dalawang kalibre .45 at dalawang kalibre .38. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply