4 kilabot na karnaper tiklo sa Kyusi

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit ang apat na kilabot na carnaper sa magkakasunod na serye ng carjacking ng mga sasakyan makaraan ang pagsalakay sa kanilang pinagkukutaan sa Parañaque City at nabanggit na lungsod, Lunes ng gabi.

Ang mga suspek na nadakip ay kinilala ni QCPD director Chief Supt. George Regis na sina Joey Villanueva, Jonathan Rodrigo, Rommel Flores at Alexander Aquino na pawang miyembro ng kilabot na carnapping syndicate na nag-ooperate sa Quezon City.

Nabatid mula kay Regis, dahil sa patuloy na operasyon ng DACU sa pamumuno ni P/Supt. Ferdinand Villanueva ay nag-resulta ng pagkakabawi sa apat na ninakaw na mamahaling sasakyan.

Nakuha ng DACU ang pulang Montero (NCQ-305) at asul na Montero na may conduction sticker na TP-0747 na kabilang sa kanilang tinangay.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng DACU sina Villanueva at Rodrigo ay unang dinakip sa Brgy. Apolonio Samson bandang 5:15 ng hapon.

Matapos makatanggap ng impormasyon ang DACU sa kanilang impormante na kumpirmadong namataan ang kinarnap na asul na Montero sa Lagro Subd., Novaliches, ay agad na nagsagawa ng Follow-up operation ang DACU sa Parañaque na nagresulta ng pagkaaresto nina Flores at Aquino.

Sa nasabing pagsalakay ay nabawi ang pulang Montero na tinangay sa 203-A Apo St., Lamesa Heights , Brgy., Maharlika nito lamang nakaraang Biyernes ng gabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply