4 na mangingisda sa nawawala pa rin

PINAGHAHANAP pa rin ngayon ng Philippine Coast Guard-Pangasinan ang apat na mangingisda mula sa bayan ng Bolinao na tatlong araw ng nawawala matapos pumalaot sa dagat sa kasagsagan ng bagyong Dodong.

Sa pahayag ni Master Chief Petty Officer Conrado Cabrerra, tiwala sila na buhay pa ang mga apat sa kabila na pangatlong araw na nila nawawala dahil batid naman daw ng mga mangingisda kung ano ang kanilang gagawin sa ganitong mga pagkakataon.

May posibilidad umano na naghanap ng lugar na masisilungan ang ito nang maabutan ng bagyo sa dagat tulad sa ginawa ng mga mangingisdang mula sa bayan ng Infanta na nakabalik ng ligtas sa kanilang pamilya.

Kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng search and rescue operation gamit ang helicopter maliban sa rescue vessel upang mabilis na makita ang mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply