4 na nakaw na sasakyan narekober sa Kyusi

IPINAHAYAG ni Chief Supt. George T Regis, acting director ng Quezon City Police District (QCPD), na apat na nakaw na sasakyan na ang nabawi sa loob lamang ng apat na buwang pagkakatalaga nito bilang pinuno ng QCPD District Anti-Carnapping Unit (DACU)

Noong Mayo, 11 sa 19 na ninakaw na sasakyan sa Quezon City ang nabawi ng mga operatiba ng DACU.

Apat naman sa mga hinihinalang carnapper ang naaresto at na-impound ang 16 na sasakyan kaugnay sa iba’t ibang paglabag sa Land Transportation Code.

Ayon kay Supt. Ferdinand Villanueva, DACU chief, isa sa mga nabawing sasakyan ay ginagamit sa iba’t ibang krimen.

Ang patunay umano nito ay ang mga basyo ng bala sa na natagpuan sa sahig ng sasakyan at mantsa ng dugo sa passenger’s seat.

Kabilang sa mga nabawi ay ang Toyota Lite Ace (PSN-803), Toyota Hi-Ace (PWI-532), pulang Nissan Urvan (walang plaka) at ang Corolla taxi (TWW 359).

Nakatakda umanong ibalik ang mga ito sa tunay na may-ari pagkatapos isailalim sa imbestigasyon.

Batay sa ulat, na-intercept ang taxi sa Kamuning St., Quezon City ng mga tauhan ng DACU at natuklasang peke ang plaka pati na ang chassis number at ang dokumento nito.

Nabatid pa sa ulat na ang DACU ang nakabawi sa limang nakaw na motorsiklo at responsible sa pagkakaaresto kay Roger Dominguez at Jason Miranda, mga pangunahing suspek sa Benson Evangelista carnap/murder case, at  pagkakarekober sa nakaw na sasakyang Toyota Land Cruiser.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply