4 na sasakyan nagkarambola; 14 sugatan

SUGATAN ang may 14 katao nang magbanggaan ang apat na sasakyan sa North Luzon Expressway sa Pampanga, umaga ng Biyernes, Hunyo 24.

ayon kay NLEX supervisor Ariel Salita, naganap ang insidente malapit sa San Simon exit patungong San Fernando, Pampanga .

“[Ang] Initial report ng patrol namin nang mangyari ang aksidente malakas ang ulan at hangin,” ayon kay Salita sa isang panayam sa dzBB.

Nabatid na hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga biktima na kaagad isinugod sa ospital sa San Fernando City, naturang lalawigan.

Batay sa inisyal na report, nagkarambola ang 14-wheeler dump truck, six-wheeler Elf-type truck, pampasaherong jeep, at isang Innova-type Asian utility vehicle.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply