4 NPA patay, 1 sundalo sugatan sa sagupaan

APAT na miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang napatay habang isang sundalo ang malubhang nasugatan sa naganap na sagupaan sa North Cotabato.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, tagapagsalita ng Philippine Army-6th Infantry Division, kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng Army 40th Infantry Battalion ng masabat ang isang pangkat ng mga komunistang rebelde.

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok at nahagip ang isang sundalo na agad na namang na-extricate at nadala sa Davao City para sa kaukulang lunas.

Sa impormasyong nakalap ni Asto sa area mula sa kanilang field commander, napilitang umatras agad ang mga NPA ng maramdamang unti-unting nalalagasan ang kanilang panig.

Nabatid na kumpirmadong may mga  NPA na namatay sa sagupaan at kinilalang sina Alexander Selado, Miguel Ocsio, isang alyas Sammy at isang kasalukuyan pang inaalam ang kakikilanlan.

Ayon pa sa tagapagsalita, nito lamang nakalipas na linggo ay nakapatay rin sila sa isang engkwentro ng apat na NPA sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ito ay makaraang mabigo ang mga rebelde na mapasabog ang itinanim nilang bomba para sa mga nagpapatrulyang mga sundalo.

Tiniyak naman ni Asto na hindi nila tatantanan ang mga NPA sa area na patuloy na lumilikha ng karahasan sa hanay ng mga sibilyan at military.

Kaugnay nito napag alamang lumikha ng takot ang serye ng mga laban sa pagitan ng military at NPA sa may area ng Makilala, North Cotabato at maraming residente na ang nagsilikas sa takot na maipit sa engkwentro. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply