4-peat ng Ateneo dadaan sa butas ng karayom

SA KABILA ng pagkakasungkit ng korona sa katatapos na FilOil Flying V Hanes Pre-season Premier Cup noong nakaraang Martes ay may mabahid pa ng agam-agam si head coach Norman Black na mahihirapan sila na maidepensa ang titulo at makuha ang rekord na 4-peat sa UAAP Men’s Basketball season na nakatakdang magbukas sa Hulyo 9.

Nilimas ng Loyola-based varsity team ang UAAP season 2010 runner up Far Eastern University Tamaraws, 82-76 sa semifinals bago inangkin ang titulo nang gibain ang NCAA champion San Beda Red Lions sa iskor na 75-56.

Ang pagkabagabag ni Black ay bunga ng hindi tiyak na paglalaro ni 2010 most valuable player Ryan Buenafe dahil sa problema niya sa academic grades, tulad ni Alt dela Cruz habang ang papasikat na guwardiya na si Mark Tallio ay nagbalik na sa Cebu para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Totoong malaking tulong sa koponan ang rookies na sina Keiffer Ravena at ang 6’11 at Smart Gilas Pilipinas player na si Greg Slaughter ngunit malaki pa ring kakulangan ang grumadweyt na sina Eric Salamat at Jambo Escueta.

Habang nananatili sa line-up sina Skipper Kirk Long, Bacon Austria, Justin Chua, Eman Monfort at Nico Salba na sasandalan ng Katipunan collegiate team.

Ang pinangangambahang makahaharap sa titulo ni Black ay ang Far Eastern Tamaraws ni coach Bert Flores at ang University of the East Red Warriors ni head coach Laurence Chongson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply