4 pulis sinibak dahil sa ‘false statement’

SINIBAK sa tungkulin ang apat na pulis makaraang maghain ang mga ito ng “false statement” sa isinumiteng affidavit sa piskalya laban sa nahuling drug pusher.

Bukod sa pagkakasibak sa tungkulin, nahaharap pa sa kasong perjury ang apat na pulis na nakabase sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO).

Ang kasong perjury ay isinamapa matapos makita ng piskalya na may sapat na basehan na nagsisinungaling umano ang mga pulis sa kanilang inihaing affidavit hinggil sa naaresto nitong drug pusher na naganap noong taong 2009.

Ayon kay chief city prosecutor Atty. Fidel Macauyag, kabilang sa mga kinasuhan ng perjury ay sina PO2 Lodegario Sagun Jr., PO2 Rustom Genis, PO2 Raymund Seno at PO3 Joel Deloso.

Ani Macauyag, posibleng ginawang basehan ng PNP Regional Office-10 ang resolution mula sa panel of prosecutors.

Samantala, ikinalungkot naman ni dating PDEA-10 Dir. Edwin Layese matapos mapag-alaman niya na tatanggalin na sa trabaho ang nabanggit na mga pulis.

Inihayag ni Layese na ikinagalak nito ang naging resulta ng kanilang pagsisikap noon laban sa mga pulis, subalit nalulungkot din ito dahil mayroon silang mga pamilya.

Kaugnay nito, muling nagpapaala si Layese sa lahat ng mga law enforcement personnel na huwag gagawa ng mga kabulastugan upang hindi sila matulad sa apat na mga pulis.

Una rito, inihayag ni Supt. Michael John Deloso, chief administrative sa Human Resource and Doctrine Division sa COCPO na binigyan nila ng 15 araw ang mga ito upang magbigay komento hinggil sa dismissal order na inihain laban sa kanila. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply