4 sa bawat 10 bayan walang bumbero

APAT sa bawat 10 bayan sa Pilipinas ay walang bumbero.

Dahil dito, isinulong ni LPGMA Party-list Rep. Arnel Ty na siyasatin ng Kamara kung anu-anong bayan ang hindi tumupad sa isinasaad ng batas sa loob ng 21 taon hinggil sa pagkakaroon ng bumbero sa bawat munisipalidad.

Inihain ni Ty ang House Resolution 1228 upang siyasatin ito ng House committees on appropriations at local government matapos ilathala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang ulat na 613 sa 1,502 na munisipalidad ang walang fire station.

“At least 613 of the country’s 1,502 municipalities still do not have a single fire station,” wika ni Ty.

Binigyang diin ng mambabatas na sa kapabayaang ito ng mga lokal na opisyal ay nailalagay sa panganib ang buhay ng mga Filipino maging ang mga ari-arian sa panahon ng sunog.

Nagbalik-tanaw din ito sa sunog na naganap sa limang palapag na Bed and Breakfast Pension House sa Tuguegarao City noong December 19, 2010, kung saan 16 katao ang nasawi at nasugatan ang 12 iba pa.

Muli ay ipinaalala ni Ty, nakasaad sa Republic Act 6975 partikular sa Section 56 na dapat ay magkaroon ng isang bumbero sa bawat munisipalidad.

Udyok pa ni Ty sa dalawang nabanggit na komite na madaliin ang pagsisiyasat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply