400 titser nalason sa pagtsibog ng adobo

MAY 400 titser, kabilang ang isang buntis, ang nalason sa putaheng ipinakain sa kanila ng isang food catering sa Batangas.

Ang mga guro na nagmula sa isang seminar sa San Jose ay pawang sinilbihan ng adobo na pinaniniwalaang dahilan ng kanilang pagkalason na isinilbi ng isang catering service na pag-aari ng isang nagngangalang Louie Viceral.

Sinabi naman ni Viceral na sa kanyang 20 taong pagnenegosyo, ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong insidente.

Pagtatanggol pa sa kanyang sarili, sinabi ni Viceral na hindi naman nila gusto ang nangyari. “Pagkain po ‘yan siyempre. May ref naman ang sasakyan namin,” pahayag pa nito.

Sa nabanggit na bilang, labingpito na lamang ang mino-monitor ang kondisyon ng mga manggagamot  sa San Jose District Hospital.

Habang ang iba naman ay pinainom lamang ng gamot sa pagtatae at pananakit ng tiyan at saka pinauwi rin upang ipagpatuloy na lamang ang medikasyon sa kanilang bahay.

Isa naman sa mga hindi pinangalanang biktima na tatlong buwang nagdadalantaong guro ay mula sa Ludlod High School Leizel Dee at maging siya ay biktima rin ng pagkalason.

Hindi na nalaman pa kung magsasampa ng kaukulang kaso ang mga biktima laban kay Viceral.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply