41 toneladang corals, shells nasamsam

SINAMPAHAN na ng kasong kriminal sa City Fiscal Office ng Zamboanga ang isang negosyanteng Intsik at Pilipnang asawa sa iligal na pangangalap ng mga protektadong lamang dagat.

Ayon kay Senior Superintendent Mario Rariza, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group, ang mga reklamo ay isinampa laban sa negosyanteng si Li Yu Ming alias Jo Pring at sa asawa nitong si Olivia Li sa paglabag sa Philippine Fisheries Code.

Ang pagsampa ng kaso ay naganap makaraang makumpleto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes, Hunyo 17, ang imbentaryo ng tone-toneladang corals at shells sa isang bodega sa San Roque, Zamboanga City.

Kinilala ang mag-asawa na siyang may-ari ng mga coral at shells na natuklasan ng mga tauhan ng CIDG at BFAR noong Hunyo 4 sa Yuscom warehouse.

Sa imbentaryo na ginawa ng BFAR, inilarawan na ang mga narekober na mga lamang dagat ay nakalagay sa mga sako at karton na tumitimbang ng higit sa 41 tonelada.

Bumilang ng 27,891 kilos ang black at red corals samantalang 13,144 kilos ang ibat-ibang klase ng shells, gaya ng helmet, trumpet at trochus, ayon kay Rariza. Inilagak ang mga nasamsam na corals at shells sa pangangalaga ng BFAR regional office.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Celso Lobregat, nakatanggap siya ng impormasyon na nakalipad na papalabas ng bansa ang mag-asawang negosyanteng suspek na sina Jo Pring subalit kinukumpirma pa nila ang impormasyong ito. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply