450 araw penitensya sa trapiko sa QC magsisimula na

MAGSISIKIP na muli ang trapiko sa pagsisimula ng paggawa ng C-3 Araneta Ave.-Quezon Ave. Interchange Project ngayong Hunyo 2011.

Asahan na ang pagbuhul-buhol ng mga sasakyan sa kahabaan ng mga daang nabanggit ayon kay Department of Public Works and Highway Secretary Rogelio Singson.

Dahil dito, pinaplantsa na ang mga alternative routes na maaaring daanan upang makaiwas sa trapiko na mararanasan sa buong 450 araw na “calendar days” ng construction period sa pakikipagtulungan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ang proyekto na aabot sa P430 milyon ay gagawa ng apat na lanes na underpass sa kahabaan ng Quezon Avenue at tatawid ng G. Araneta Ave. kasama na ang paglalagay ng mga submersible pumps upang hindi bahain ang underpass at paglalagay ng reinforced concrete box at pipe culverts na sa oras na matapos ang proyekto ay maiibsan ang lumulubhang suliranin sa trapiko sa EDSA at mga pangunahing kalsada, pagpapalapad ng Mariblo Bridge sa Quezon Ave. at pagsasa-ayos ng mga service roads at intersection sa mga hintuan at likuan.

Hindi lamang bibilis ang byahe ng mga motorista kapag natapos ang proyekto kundi mababawasan din ang polusyon na naiipon sa mga pagsisikip ng trapiko ayon kay Singson.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply