47 public schools sa N. Cotabato suspendido

SUSPENDIDO ang may 47 na pampublikong paaralan sa North Cotabato bunsod ng pagbaha.

Batay sa pahayag ni Department of Education Region 12 (DepEd 12) regional director Dr. Isabelita Borres, kabilang sa nagdeklara ng suspension of classes ang 20 paaralan sa Pikit, 10 sa Tulunan, 7 sa Midsayap, 5 sa M’lang, 3 sa Pigcawayan, 2 sa Magpet, at isa sa Libungan sa nasabing lalawigan.

Nilinaw ni Borres na ngayong linggo, babalik din sa eskuwela ang mga estudyante sakaling humupa ang tubig baha sa nasabing lugar.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply