5 Abu Sayyaf tiklo sa Basilan

TIKLO ang limang hinihinalang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basilan kaninang madaling araw, Hunyo 22.

Ayon kay Army Col. Alex Macario, commander ng Special Operations Task Force Basilan, nahuli ang limang bandido bandang ala-singko ng umaga sa Barangay Cabengbeng, Sumisip, Basilan.

Kabilang sa nakuha sa mga bandido ang limang matataas na kalibre ng baril at mga bala nito.

Hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng lima at sinasabing magkakaroon ng press conference ilang oras mula ngayon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply