5 barko stranded dahil kay ‘Egay’

STRANDED ngayon ang limang barko sa pantalan ng Allen, Northern Samar dahil binawalang maglayag ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil kay bagyong “Egay.”

Base sa ipinarating na impormasyon ng PCG-Catbalogan station, limang barko ang naantala ang paglayag. Hinihintay nila ang panibagong weather bulletin na ipapalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) para sa susunod na hakbang.

Ang barko naman na may higit sa 1,000 gross tons ang kapasidad ay pinayagan pang makapaglayag ngunit patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng PCG sa bagyo.

Ayon rin sa PCG may dalawa pang barko ang bumibiyahe hanggang ngayon kaya wala pang mga pasahero na naiistranded sa pantalan ng Allen.

Samantala, ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat ay una nang binalaan ng PCG na huwag nang tangkaing maglayag dahil sa maaaring peligrong dulot ng bagyong Egay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply