5 buwang sanggol utas sa senglot na tatay

NAKAHANDA nang magsampa ng reklamo ang ina ng isang limang buwang sanggol laban sa kanyang mister dahil sa pagkamatay ng sanggol sa kamay nito sa Brgy. San Roque, Buenavista, Guimaras.

Batay sa ulat ng isang PO3 Jerry Ferrer ng Buenavista Municipal Police Station, bago nangyari ang insidente ay nagtungo umano sa Iloilo ang ina ng sanggol na si Sally Ferrer, 39, at iniwan sa pangangalaga ng kanyang mister na si Junie Ferrer ang kanilang anak para bantayan subalit nakipag-inuman umano ang kanyang asawa at nalasing.

Napag-alaman na lamang ng ina ng sanggol na namatay ang kanyang anak dahil sa malakas na pag-uga ng ama nito na sinasabing maaring nairita dahil nais na nitong matulog subalit patuloy sa pag-iyak ang bata.

Depensa naman ng ama, nakita niyang may nakatali sa leeg ng kanyang anak at sinubukan niya lamang itong gisingin.

Sa autopsy examination, lumitaw na nagkaroon ng traumatic head injury ang sanggol na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Dahil dito nahaharap sa kasong parricide ang  ama ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply