5 drug pusher timbog sa PDEA

ARESTADO ang limang hinihinalang drug  pusher matapos ang magkakasunod na entrapment operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Fernando, La Union.

Sa isinumiteng ulat kay Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., director-general ng PDEA, kinilala ang nahuli na sina: Romeo Canono at Mark Rugene Arellano.

Sina Canono at Arellano ay nahuli sa aktong nagbebenta ng marijuana sa Luna St., Barangay 4, San Fernando City.

Kinabukasan ay nadakip naman ng PDEA Regional Office 7 si  Marichan Balat habang iniaabot nito sa isang poseur-buyer ang dalawang sachet ng shabu sa isinagawang a buy-bust operation sa Barangay Bacayan, Cebu City.

Sa  Isabela, nadakip naman ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2) Special Enforcement Team (SET) at Ilagan Police  si  Rowel Paulino sa isinagawang buy-bust operation sa City Homes Subdivision, Ilagan, Isabela, kung saan nahulihan ito ng isang sachet ng shabu at marked money  .

Habang sa La Union, naman ang walong heat-sealed plastic sachets ng shabu ang nahuli kay Robel Viado sa isang buy-bust operation na isinagawa ng  PDEA RO1 La Union Special Enforcement Team (Luset) sa kahabaan ng  E. Rimando St., Barangay Ortiz, Naguilian. La Union.

Kinasuhan na ng paglabag sa Section 4 ng R.A. 9165 ang mga nahuling suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply