5 NPA patay, 12 sugatan sa magkasunod na sagupaan

TIGOK ang limang  miyembro ng  New People’s Army (NPA)  habang 12  pa ang sugatan sa dalawang sagupaan sa bayan ng Pamplona, Negros Occidental.

Ayon kay Col. Jonas Sumagaysay, assistant commander ng 3rd Infantry Division, naganap ang unang bakbakan noong Sabado ng hapon, Hunyo 18, kung saan dalawa ang nasawi na sinundan ng engkwentro  alas 6:45 ng umaga noong LInggo, Hunyo 19, kung saan tatlo ang nalagas na rebelde.

Nagpapatrolya ang mga tauhan ng 79th Infantry Battalion sa Barangay Banaue nang makasalubong ang mga rebelde.

Hindi umano matanggap ng mga rebelde ang pagkatalo sa unang labanan kaya muling bumalik kinabukasan subalit muli silang nalagasan ng pwersa.

Wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng gobyerno. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply