Lima patay sa pag-ulan sa Mindanao

LIMANG katao ang inulat na nasawi na sanhi ng walang tigil na pag ulan sa Maguindanao at South Cotabato sa Minadnao, ayon sa ulat na National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sa ulat na isinumite kay NDRRMC Administrator Benito Ramos, sampung bayan sa Maguindanao sa paligid ng Liguasan Marsh ang patuloy na nakalubog sa tubig baha dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Ayon sa ulat, tatlong kalalakihan ang nalunod sa Libungan at Pikit, North Cotabato dahil sa lakas ng agos ng ilog doon.

Kinilala ang mga biktima na sina Roberto Argoncillo at kapatid nitong si Rommel, na kapwa nalunod sa Libungan River sa North Cotabato. Natagpuan ang kanilang bangkay sa may Liguasan Marsh sa Maguindanao.

Samantala, isang nagngangalang Rudy Aperdo ng Pikit, North Cotabato ang nalunod naman sa Pagalungan River.

Sina Ugka Unos at kapatid nitong si Ramos ay nalunod naman sa Malitubog River sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Tumatawid umano ang dalawa kasama ang boat operator na si Magki Katog sa Malitubog River nitong Linggo nang bigla silang tangayin ng malakas na agos.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kanilang mga katawan.

Umaabot na ngayon sa humigit-kumulang sa 100,000 katao ang apektado ng pagbaha sa mga bayan ng Carmen, Pikit at Kabacan sa  North Cotabato at  Pagalungan at Datu Montawal sa Maguindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply