5 patay sa sobrang init sa US

PINAIKLI ng mga paaralan sa Philadelphia at Maryland ang klase ng mga estudyante bunsod ng matinding init na nararanasan ngayon sa Amerika, kung saan lima na ang naitatalang namamatay.

Napag-alaman na kalahati ng US ay nakapagtala ng record breaking na temperatura at sa forecast ng Climate Prediction Center, tatagal ng anim hanggang 10 araw ang nasabing panahon.

Apektado nito ang mga estado sa mid-southern section ng US kabilang na ang Louisiana, Mississippi, Alabama maging New York at New Jersey.

Sa Chicago, Tennessee at Newark, New Jersey ay binuksan ang mga cooling centers para sa mamamayang walang aircon.

Sa Virginia, nakipagtulungan ang gobyerno sa non-profits group para magbigay ng malamig na tubig sa mga walang tahanan.

Sa southern, eastern at Midwest America ay naitala ang temperatura na higit sa 32 degrees Celsius.

Sa kabisera na Washington at maging sa Baltimore ay naitala ang 37 degrees Celsius na temperatura, na-break nito ang record na naitala noong 1999 ayon sa National Weather Service.

Panibagong record din ang naitala sa Philadelphia na umaabot sa 36 degrees Celsius, mataas kaysa record na naitala noong 2008 na 35 degrees Celsius.

Sa Atlantic City, New Jersey, napantayan nito ang record na 36 degrees Celsius noong 1999 habang umabot naman sa 34 degrees Celsius ang init ng panahon sa Chicago.

Sinasabing lima na ang namatay sa matinding init ng panahon sa Tennessee, Maryland at Wisconsin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply