5 tusta sa sunog sa Bukidnon

LIMA katao ang patay makaraang masunog ang tahanan ng mga residente sa exit gate ng Valencia City Hall sa Valencia City, Bukidnon, madaling-araw ng Hunyo 11.

Ayon sa pulisya, sumiklab ang apoy habang nasa mahimbing na pagkakatulog ang mga biktima.

Kabilang sa mga nasawi ay isang lalaki at apat na babae kung saan ilan sa mga ito ay trabahante ng pinakamalaking mall sa lugar.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga bumbero sa dahilan ng sunog at pagkakakilanlan ng mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply