5 patay sa sunog

LIMANG katao ang natusta ng buhay sa naganap na sunog kaninang madaling araw, Hunyo 11, sa lungsod ng Valencia sa lalawigan ng Bukidnon.

Ayon sa inisyal report na ipinarating sa PNP Command Operation Center, isang lalaki at apat na babae ang namatay ng makulong sa nasusunog na sleeping quarter dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nabatid na pawang himbing sa kanilang pagtulog ang mga hindi pa nakikilalang biktima ng sumiklab ang apoy.

Ayon kay PO2 Joseph Tarac ng Valencia City Police Office, sa pagsisiyasat ng mga arson investigators ay nagsimula ang sunog malapit sa exit gate ng Valencia City Hall kung saan nandoon ang ilang residential houses.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng mga bombero kung ano ang sanhi ng naturang sunog at pagkakakilanlan ng mga biktima. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply