5 sasakyan inararo ng trak; 3 tigbak

TIGOK ang tatlo katao habang walong iba pa ang nasugatan nang araruhin ng isang trailer truck ang limang sasakyan sa Cavite, Sabado ng tanghali, Hunyo 18.

Kinilala ang mga namatay na sina Juanerio Rom at dalawang pahinante sa trailer truck na nakilala lamang sa alyas Nic at Nonoy.

Si Rom ay namatay nang mabundol ng trak na tumama pa sa concrete fence at steel gates bago bumaligtad.

Ang walong iba pang nasugatan ay isinugod sa pagamutan.

Batay sa ulat ng Highway Patrol Group, dakong 12:50 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa Barangay Katitinga 1 sa bayan ng Alfonso.

Nabatid na patungong bayan ng Magallanes ang trak (ZHS 464) na minamaneho ng isang Mr. Calaranan nang mawalan ng preno at inararo ang limang sasakyan.

Ang limang inararong sasakyan ay kinabibilangan ng owner type jeep (DPU-828) naminamaneho ni Gerardo Caringa; isang barangay Patrol Car (SFC-104); Nissan Sentra (PMA-663) na dala ni Henry Escoses; Kawasaki tricycle (XB-5036) na minamaneho ni Joselito Ramos at multicab (GPP-996) na minamaneho ni Susan Fenol.

Iniimbestigahan na ang driver ng naturang trailer truck.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply