5 tulak ng shabu timbog sa Manila

LIMANG tulak ng bawal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District, kabilang ang dalawang babae sa magkahihiwalay na lugar sa Maynila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang mga suspek na sina Imelda Palomar, 44, ng 14 Carlos P.Garcia St., Tondo; Elias Rabino, 43; ng 86-A Carlos P. Garcia St., Tondo ; Sonny del Poso, 46, ng 188 Sampaloc St., Tondo ; Ronnie Macal, 28, ng 118 Sta Fe St., Tondo at ang isang Cristina Calora, 33, ng 1246 Bambang St., Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni Chief Insp. Richard Benitez Madlangbayan, hepe ng MPD-District  Anti-Illegal  Operation Task Force (DAID-SOTF), dahil na rin sa mga impormanteng natanggap ng nasabing ahensiya na talamak ang bentahan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, nagsagawa muna sila ng test buy.

Ayon pa sa report ng pulisya, ang mga tauhan ni Chief Insp. Madlangbayan na sina P/Insp. Eduardo Vito Palma, team leader ng grupo at nina SPO2 Agapito Yadao Jr.; PO1 Arvin  Lucky Elma; SPO1 Rommel Rey; PO3 Rodelio Salvador at PO2 Michael  Carabeo ang unang nakadakip kina Palomar; del Poso at Rabino, dakong 6: 35 ng gabi, kahapon.

Samantala, matapos ang nasabing entrapment, nagsagawa rin ang nasabing grupo ng buy-bust sa Sta. Fe St., malapit sa panulukan ng San Roque St., Tondo,  kung saan ay nahuli naman sina Macal at Calora dakong 6:30 ng gabi sa pamamagitan ng poseur buyer.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply