50 NBI agents bantay ni Michael Ray Aquino

AABOT sa 50 tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang magbibigay ng seguridad kay dating Police Senior Supt. Michael Ray Aquino, itinuturong isa sa suspek sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito sa pagbalik sa bansa sa Linggo.

Nabatid sa ulat ng NBI, si Aquino ay balik-Pinas na makaraang aprubahan ng United States-Department of Justice (US-DOJ) ang repatriation nito sa Linggo, Hunyo 26.

Ang seguridad kay Aquino ay katulad din ng ibinigay na seguridad nang dumating sa bansa sina Cezar Mancao noong 2009 at Supt. Glenn Dumlao, kung saan ay 12 mga sasakyan at 50 ahente ng NBI ang nagbantay sa kanila na pawang nakasuot ng bullet-proof vests.

Ayon kay NBI Director Magtanggol Gatdula, wala umanong “special treatment” sa dating opisyal ng pulisya na itinuturong suspek sa krimen. Dahil katulad lamang si Aquino sa iba pang preso na ididiretso sa NBI Detention Center na nasa likod ng NBI headquarters.

“There is only one detention area here in the bureau. He would be held in the same place as (former Datu Unsay Mayor Andal) Ampatuan (Jr.),” pahayag ni Gatdula.

“The lawyer would have to coordinate with us, and the lawyer would not be allowed to stay there 24 hours. Visiting hours would be observed.”

Sinigurado na rin ang seguridad ni Aquino sa oras na dumating sa tanggapan ng ahensya.

Nabatid  pa kay Gatdula na pansamantala lamang ang pananatili ni Aquino sa ahensya habang hinihintay pa ang kautusan ng korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply