50% ng elementary student anemic, malnourished

LUBHANG nababahala si Sen. Loren Legarda sa ulat ng Department of Health (DOH) na umaabot sa 50 porsiyento ng kabuuang bilang ng estudyante sa elementary ang anemic at malnourish.

Dahil dito, iginiit ni Legarda na dapat nang ipatupad ang child nutrition program sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa upang tugunan ang seguridad sa pagkain at malnutrition sa mag-aaral.

Nakatakda ang panukala ni Legarda sa Senate Bill 2561.

“In addressing food insecurity, we must prioritize the needs of children who are most affected because they are the most vulnerable components of society. In fact, statistics from the DOH show that an estimated 50% of pupils are anemic, two out of ten children are iodine-deficient, and about 44.9% of schoolchildren suffer from malnutrition,” pahayag ni Legarda.

Ganito rin ang reaksiyon ni Legarda sa panawagan ng DOH sa mga mag-aaral na iwasan ang pagkain ng junk foods at iba pang pagkain na may sangkap na Di (2-ethylhexyl) phthalate (DEHP), na lubhang mapanganib sa kalusugan.

Maliban sa panghihimok sa mga magulang na pabaunan ang kanilang mga anak ng masusustansiyang pagkain sa pagpasok sa paraalan, sinabi ni Legarda na dapat magtayo din ang pamahalaan ng complementary feeding program upang matiyak na masustansiyang pagkain ang kakainin ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan na magpapaunlad sa kanilang nutritional status.

“In order to improve the health status of schoolchildren, we must have a system-wide plan to implement a nutrition and health program in schools and barangay day care centers, consisting of a complementary feeding program and may also include other nutrition-related activities such as micronutrient supplementation, weighing and growth monitoring, deworming of children, and promotion of improved hygiene practices,” giit niya.

Idinagdag pa ni Legarda, natuklasan din sa naturang report na apat mula sa 100 pre-schooler ang mayroong night blindness, 84.3% ng bata ang dumadanas ng dental caries at 75% ang mayroon ng intestinal parasitism.

“This intervention is urgent, as undernourishment is largely preventable and the World Bank has reported of exceptionally high development returns to a number of direct nutrition interventions. Also, our success in addressing malnutrition is essential in meeting the Millennium Development Goals, which we aim to achieve by 2015,” pagtatapos niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply