530 toneladang namatay na isda nailibing na

NILIBING na ang 530 toneladang isda na namatay dahil sa fishkill sa Talisay, Batangas.

Ayon kay Mayor Zenaida Mendoza ng Talisay, sinira ang mahigit sa 30 fish cages na naapektuhan ng fishkill incident mula sa apat na mga barangay sa kaniyang nasasakupan.

Dahil sa marami ang nalugi sa nasabing fishkill, umaasa ang meyor na makaaahon at makababalik sa normal ang hanapbuhay ng mga mangingisda sa lugar.

Sinabi pa ng alkalde, maaaring umabot ng dalawang buwan bago manumbalik ang normal na pamumuhay ng mga mamamayan sa kanyang pinamumunuan.

Tinatayang nasa P142,530,000 ang halagang napinsala dahil sa fishkill sa lalawigan ng Batangas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply