Hacienda sinalakay ng mga rebelde

SINALAKAY ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang isang hacienda sa EB Magalona, Negros Occidental.

Sa ulat sa Kampo Crame, lulan ang mga rebelde ng Chevrolet truck nang sumalakay sa Hacienda Teresa sa Barangay Alicante sa EB Magalona. Ang hacienda ay pag-aari ng isang “Mr. Ledesma.”

Sinunog ng mga rebelde ang isang traktora at tinangay ang M16 service firearm at bandolier ng security guard ng hacienda na si Mario Lachica.

Bago tumakas, nagpaputok pa ang mga rebelde kaya’t nasugatan ang timekeeper na si Kristopher Gerza.

Isinugod ang biktima sa Silay Provincial Hospital habang tumakas ang mga rebelde lulan ng kulay berde at puting multi-cab patungong Barangay Cundangdang. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply