Gusali ng DPWH tinupok ng apoy

NASUNOG kanina, Hunyo 17, ang gusali ng Department of Public Works (DPWH) sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Sindalan, San Fernando City, Pampanga.

Ayon sa mga bombero na rumesponde sa sunog, nagsimula ang apoy dakong alas-3:00 ng madaling araw na inireport ng guwardiya ng naturang gusali sa Community Police Assistance 4.

Nakarinig umano ang guwardya ng gusali ng nabasag na salamin at ng punatahan niya ang pinagmulan niyon ay nagulat siya na kumalat na at nilalamon na ng apoy ang loob ng gusali.

Umabot ang nasabing sunog sa ikaapat na alarma. Ganap na alas-6:30 ng umaga ng tuluyang maapula ang apoy sa pagtutulungan ng 12 fire trucks mula sa city fire department at istasyon ng Angeles, Mabalakat, Guagua, Bacolor, Sta. Rita, San Miguel Corporation at Dee Hua Liong.

Kasamang natupok ng gusali ang mga papwles, mga dokumento at mga computers ng ahensya na tinatayang umabot sa P50 milyon halaga, ayon kay DPWH Assistant Regional Director Ador Canlas.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog at ayon sa mga opisyal ng ahensya, naka-seguro umano ang nasabing gusali sa Government Service Insurance System. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply