Mar, kinalampag sa ZTE-NBN scam

KINALAMPAG ng isang senador si Transportation Secretary Mar Roxas na imbestigahan ang $326 milyong ZTE-NBN scam na naunang inilantad ng kalihim sa pagiging senador nito bago matalo sa halalan.

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano na isa ang ZTE-NBN scam sa maraming anomalya sa administrasyon Arroyo ang hindi pa nabibigyan ng solusyon dahil nananatili pang nakakapit sa kinauukulang ahensiya ang opisyal at tauhan na sangkot dito.

Sinabi ni Cayetano, dapat magkaroon ng kalutasan ang anomalya at eskandalong kinasangkutan ng administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo tulad ng ZTE upang mabigyan ng katarungan ang bayan.

“Ang head ng DOTC, si Senator Mar, si Secretary Mar ngayon, siya ang isa sa nag-investigate ng ZTE so, sana magkaroon ng closure at kumpletuhin niya magkaroon din sila kahit na tahimik na imbestigasyon dito,” ayon kay Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na malaki at maraming magagawa ngayon ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na habulin at papanagutin ang sinumang sangkot sa nakaraang anomalya dahil hawak nila ngayon ang kapangyarihan.

Tinukoy din ng senador ang P728 milyong Fertilizer scam na kinasangkutan ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante at Swine scam sa ni dating Agriculture Secretary Arthur Yap.

“Ang head ng agriculture ngayon appointee din nila so they should be able to get to the bottom of the fertilizer and the swine scam,” paliwanag ng senador.

Naniniwala si Cayetano na tulad ng mga opisyal at tauhan ng Commission on Elections (Comelec) na sangkot sa Hello Garci scandal na nananatiling may matataas na puwesto sa pamahalaan baka ganoon din sa mga tauhan at opisyal na sangkot sa mga nabanggit na eskandalo.

Dagdag pa ni Cayetano: “So ang mga ito nasanay na sa scam. So ‘yung iba tahimik ‘yan. Maghahanap ng ibang scam ‘yan. So ako whether or not Brillantes is reappointed, let’s get to the bottom of all of these issues unless we’re willing to admit that we’re wrong and we’re going to say na walang nangyaring ganoong scam.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply